for the coming new year
ito ang aking misyon...
L-A-L-A-Y-O
actually hindi ko rin alam kung saan ako lalayo...kung kanino... basta iyan ang misyon ko...
lalayo sa bisyo? lalayo sa attachment? lalayo sa masamang balak? lalayo sa tao?
pero ang paglayo ay hindi lamang ang pisikal at literal na paglayo, maaari ring pag-iwas
o paglimot, o tama, pag "give up"... pero hindi ko alam... sabihin ko mang lalayo na ako sa alkohol... talaga lang ha?! lalayo na ako sa masamang balak? ang tanong, mayroon ba?
lalayo na ako sa IYO, pero kaya ko ba? oo nga pala, ang paglayo rin ay maaaring makapagpalapit sa akin sa ibang mga tao o ibang mga bagay... sa paraan ng paglayo, ako ay magkakaroon ng mas malawak na panahon upang makapag "spend" ng oras kasama ang ibang mga tao na "i should not take for granted"...sinimulan kong basahin ang libro ni Bo Sanchez na "Simplify"... sabi roon, alamin kung sinu-sino at anu-ano ang mga importante at mahalaga sa buhay ko... at siyempre, unang una, ang sarili ko... hindi ko magagawang magmahal ng ibang tao kung hindi ko magawang mahalin ang sarili ko... siguro sa ngayong taon, iyon na lamang muna ang aking pagtutuunan ng pansin dahil iyon ang kulang sa akin...mga kaibigan, huwag kayong mag-alala dahil kayo ay isa pa rin sa aking mga 'inspirasyon' ba? haha...wala... dapat dalawang linya lang ang "entry" na ito kung saan sasabihin ko lamang ang misyon ko sa darating na taon, ngunit hindi ko talaga makayanan hindi ilabas ang mga rason at eksplanasyon ko sa misyong LALAYO...haaay buhay!